Nagpasalamat si Alden Richards sa suporting ibinigay ni Daniel Padilla sa kanilang proyekto ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.” Napaka-successful ng nasabing pelikula at big revelation nga daw sina Alden at Kathryn dahil ibang klase daw ang ipinakitang pag-arte ng dalawa.
Sa isang guesting sa “Magandang Buhay” ay inamin ni Alden na nagtext siya kay Daniel bilang pagpapakitang galang sa relasyon nina Daniel at Kathryn. Hindi daw sumagot si Daniel agad-agad nguni’t dumalaw daw it sa set at nagpasalamat at nag-congratulation daw si Daniel sa kanya, na para naman kay Alden ay sapat na.
“The good thing about that, nung last day po namin sa set, nagpunta si DJ sa tent ko with Kath. He congratulated me personally. Parang sabi ko na, for him to consider making time para pumunta sa akin to congratulate me for the movie, okay na po ako doon. That’s more than enough.” sabi ni Alden.
Narito ang nasabing video:
(Photo source: Instagram – @starcinema)
You must be logged in to post a comment Login