Alden Richards tikom ang bibig sa ‘open letter’ ni Maine Mendoza

Alden Richards tikom ang bibig sa ‘open letter’ ni Maine Mendoza

Marami sa mga fans ni Alden Richards ang nagtatanong kung kamusta na ang binata pagkatapos ng inilabas na ‘open letter’ ng kanyang on-screen partner na si Maine Mendoza.

Marami ang umaasam na naghintay na balang araw ay ang ‘kalye-serye’ ay mauwi sa katotohanan. Nguni’t dahil sa open letter ay mukhang malabo na itong mangyari dahil nakasaad sa sulat na magkaibigan lamang sila Alden at Maine.

==========

Related Stories:

Alden Richards maayos na ang lagay pagkatapos na ma-food poison

Alden Richards isinugod sa ospital

Maine Mendoza inaming friends lang sila ni Alden Richards

==========

Dahil dito ay marami din ang nag-aalala kung kamusta na si Alden – kung sumama ba daw ang kalooban niya kay Maine? Nagtampo ba siya? Kung siya daw ba ay nasabihan bago ilabas ang sulat?

Nguni’t ang pinaka-mabigay na katanungan ng lahat ay kung ano na ang mangyayari sa tambalang AlDub na milyon-milyon ang mga tagahanga.

Photo source: Instagram – @tisoylovemeng)


Share This Post