Angel Locsin nagpatanggal ng tattoo

Angel Locsin nagpatanggal ng tattoo

Ibinahagi ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account ang prosesong kanyang pinagdaanan sa pagtanggal ng kanyang tattoo. Ang teknolohiya ay tinatawag na ‘pico enlighten’ at ayon kay Angel ay wala pang 10 minuto ay tapos na ang procedure.

Marami ang nagtanong kung masakit ang pagpapatanggal niya ng tattoo at ang sagot ng aktress ay ‘bearable’ naman daw ito.

Isa pang katanungan ng kanyang mga fans and followers ay kung ano daw ang nakasulat sa kanyang tattoo at bakit daw niya ito pinatangggal. Wala pang sagot si Angel dito.

Narito ang video:

(Photo source: Instagram – @therealangellocsin)


Share This Post