Angel Locsin shares her sentiments on leaving ‘La Luna Sangre’

Angel Locsin shares her sentiments on leaving ‘La Luna Sangre’

Marami ang nalungkot sa pagkawala ni Angel Locsin sa ‘La Luna Sangre.’ Si Angel ang gumanap bilang si Jacintha Magsaysay, isa sa pinaka-aabangan ng manonood sa patok na fantaserye. Tinatanong ng karamihan kung bakit kailangang mawala ni Angel?

Sa isang panayam ng ABS-CBN News ay sinabi ni Angel na kailangan na talaga magpaalam ni Jacintha Magsaysay.

==========

Related Stories:

Angel Locsin reacts to Luis Manzano’s decision not to host “PGT”

Angel Locsin nagpaalam na sa ‘La Luna Sangre’

WATCH: Angel Locsin tunay na mapagmahal na anak sa kanyang ama

==========

“Actually na-delay na nga nang na-delay pero kailangan na talagang gawin. It was one hell of a ride to play Jacintha. Kahit ako kasi hinuhulaan ko pa rin kung sino si Jacintha. Na-enjoy ko rin siya. Natutuwa din naman ako sa mga reactions ng tao kasi first time ko din mag-play ng ganun, na medyo antagonist ‘yung dating,” paliwanag ni Angel.

“Gusto ko ‘yung hindi mo siya mabasa kung good or bad. For me kasi Jacintha is a hero. Handa siyang i-sacritice ‘yung buhay niya para sa ikabubuti ng nakakarami,” dagdag pa ni Angel.

(Photo source: Instagram – @therealangellocsin)


Share This Post