Connect
To Top

Angelica Panganiban narrates how she was made to pay the bill of ex-bf

Nilahad ni Angelica Panganiban ang isang insidente na kung saan ay pinababayad sa kanya ang bill ng kanyang ex-bf sa isang restobar. Ibinahagi ito ni Angelica nang siya ay maging panauhin sa weekend program ng ABS-CBN na “Gandang Gabi Vice”

Naganap ang pangyayari pagkatapos ng premiere night ng kanilang pelikula ni Judy Ann Santos na “Ang Dalawang Mrs. Reyes.”

==========

Related Stories:

Angelica Panganiban at Sam Milby, Bagay ba sila?

Angelica Panganiban sa bagong GF ng ex-BF: “Pinilit sirain yung relasyon, kaya may galit”

Bela Padilla wishes Angelica Panganiban happiness

==========

Nagpunta sila Angelica sa isang restobar na kung saaan ay madalas din nilang puntahan ng kanyang ex. At dahil madalas sila dito ay pinapalista na lang muna nila ang kanilang bill at babayaran nila sa katapusan ng buwan.

Nang magbabayad na si Angelica ay sinabi sa kanya na may outstanding balance pa pala siya na umabot halos ng 9,000 pesos at ang iba dito ay ang ex-bf niya ang nakapirma.

“Sabi ko sandali, babayaran ko lang yung sa akin. Baka iba pa yung kasama niya niyan? Sa akin niyo papabayaran yung ininom nila? Hindi naman ako yung kasama,” sabi ni Angelica. “Eh sabi ni Sir kayo na lang daw ang magbayad.” dagdag ni Angelica.

“Di ba? May pangalan dun, may pirma dun sabi ko anong kalokohan ‘to! Ba’t ako yung magbabayad! Siya na nagbabayad ngayon hindi na ako,” pagtatapos ni Angelica.

Wala namang binanggit si Angelica kung sino itong ex-bf na ito.

(Photo source: Instagram – @abscbnggv)

You must be logged in to post a comment Login

More in News