Connect
To Top

Angelica Panganiban on ex-boyfriend: “hindi naman gwapo at malapad pa ang noo”

Tinatanong ni Angelica Panganiban ang sarili kung bakit siya nagkagusto at nagsakripisyo sa isang ex-boyfriend na hindi naman gwapo at malapad pa ang noo. Ibinahagi ni Angelica ang kanyang nakaraan sa isang interview with PhilStar Supreme kung saan siya ang cover.

Sa isang artikulo ng Push ay sinabi ni Angelica na walang breakup na nangyari sa kanila ng kanyang ex-boyfriend.

==========

Related Stories:

Angelica Panganiban invites netizens to read hugot book ‘Para Kay Ex’

Angelica Panganiban pag-iisipan kung kaya niyang mahaling muli si Carlo Aquino

Netizens kinilig sa tweets nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino

==========

“Yung pinakamalala yung ‘di ka brineakan tapos ikaw parang, ha? Akala ko tayo? Tapos kung gusto mo mang kausapin, di mo mahagilap, di mo makausap,” panimula ni Angelica.

“Yung iniisip mo na, hindi naman to gwapo ah.’ Yun ang tagal mong iniyakan, ang tagal mong pinagsilbihan, ang dami mong inadjust at kinalimutang mga tao o paniniwala sa buhay tapos talaga? Ikaw pa yung iiwan? Lapad ng noo mo, ‘day!” patawang sinabi ni Angelica.

Nguni’t inamin na Angelica na nalagpasan na niya ang stage na yun sa kanyang buhay at nakapag-move on na siya.

“Wala na. Hinihintay ko na lang yung buong pagpapatawad. Hindi ko lang pwedeng madaliin, tsaka hindi mo pwedeng ibigay yung tawad sa taong hindi humihingi ng tawad,” sabi ni Angelica.

(Photo source: Instagram – @iamangelicap)

You must be logged in to post a comment Login

More in News