Angelica Panganiban sa bagong GF ng ex-BF: “Pinilit sirain yung relasyon, kaya may galit”

Angelica Panganiban sa bagong GF ng ex-BF:  “Pinilit sirain yung relasyon, kaya may galit”

Tinanong si Angelica Panganiban kung ano ang kanyang sasabihin o gagawin kung sakaling makita at makaharap niya ang bagong girlfriend ng kanyang ex-boyfriend. Ito ay tinanong sa kanya ni Donna sa #AskAngelica YouTube episode ng Star Cinema.

Tanong ni Donna kay Angelica: “Kasi po sa ‘Showtime’ yung bago po ng ex ko, gusto pong makipagkita sa akin, yung ipinalit po niya. Kung kayo nasa sitwasyon ko, paano po ninyo haharapin yung ipinalit sa inyo ng ex ninyo?”

==========

Related Stories:

Angelica Panganiban reveals the kind of man that she deserves

Feel or Fail: Angelica Panganiban slays in her new short hairstyle

Angelica Panganiban inalay ang award sa mga taong nasaktan

==========

Sagot ni Angelica: “Hindi ko alam baka masaktan ko yun. Kasi, unang-una, hindi naman ako pinalitan. Pinilit eh. Pinilit sirain yung relasyon. Kaya may galit.”

Humirit muli si Donna: “Kami pa po eh. Three months before po kami naghiwalay sila na. Yun po yung three month rule niya.”

“Saan ba naimbento yang three month rule na yan” tanong ni Angelica.

“Narinig ko po yan kay ano, diyan lang po may nagsabi lang sa akin” ang naging tugon ni Donna sabay nagtawanan lahat.

Idinagdag pa ni Angelica na huwag na silang lumebel sa kanila dahil mas mataas sila, huwag daw nilang ibaba ang kanilang sarili.

Ang susunond na tanong naman ay binasa ni Angelica na nagmula sa isang nagngangalang Alexa:

“May dinedate ako ngayon two months pa lang kami pero I just found out na may nabuntis pala nya ang ex-nya. Tama po ba na magbreak na kami o accept ko na lang?” sabay hulog ng mga papel na kung saan niya binasa ang tanong.

Ayaw daw ni Angelica ang may sabit.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ang mga sagot ba ni Angelica ang siyang nangyari sa kanila ng kanyang ex-bf?

(Photo source: Youtube screengrab – @ABS-CBN Star Cinema)


Share This Post