Ano na ang mangyayari sa ‘Home Sweetie Home’ ni John Lloyd at Toni Gonzaga?

Ano na ang mangyayari sa ‘Home Sweetie Home’ ni John Lloyd at Toni Gonzaga?

Ngayon na nag-leave of absense si John Lloyd Cruz sa kanyang trabaho ay marami ang nagtatanong kung ano ang mangyayari sa kanyang sitcom sa ABS-CBN na ‘Home Sweetie Home.’ Sa isang panayam kay Lolit Solis sa DZBBB StarPok, tatanggalin na daw ang nasabing sitcom dahil sa leave of absense ni John Lloyd.

Idinagdag ni Manay Lolit na sana ay sa January na nag leave si John Lloyd para may trabaho ang kanyang mga kasamahan sa sitcom sa panahon ng pasko.

Kasama ni John Lloyd sa nasabing sitcom sina Toni Gonzaga, Ogie Diaz at Ellen Adarna.

(Photo source: Instagram – @hsh.abscbn)


Share This Post