Anthony Taberna binatikos dahil sa diumano’y komento tungkol sa babaeng ginahasa

Anthony Taberna binatikos dahil sa diumano’y komento tungkol sa babaeng ginahasa

Binatikos ng ilang netizens ang diumano’y komentong sinabi ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna patungkol sa isang babaeng 19 years old na na ginahasa ng tatlong lalaki nang makipagkita ito sa kanyang ka-chat.

Ayon sa ulat ay sumama ang babae sa bahay ng ka-chat at nag-inuman. Dito na naganap ang panghahalay na kung saan tatlo ang nang-rape sa dalagita habang ang apat ay nanonood lamang.

Sinabi ni Anthony sa ‘Umagang Kay Ganda’ na “Kapag ikaw ay babae, huwag kang papasok sa lungga ng mga tulisan.”

Hindi nagustuhan ng ilang netizen and binitawang payo ni Anthony at tila sinisi daw niya ang biktima.

“So in today’s episode of @ukgdos, Anthony Taberna decided to victim-blame a woman who was gang raped. Oh, this man. I don’t think I’m alone in thinking na hindi nakagaganda ng umaga – at ng buhay! – ang mga ganitong tao sa TV. To quote Ang Larawan, “Paalam, Candida!”

Nagsalita na din ang pamunuan ng UKG at sinabing umabot na ito sa kaalaman ni Anthony:

“Thank you for your feedback. Umagang Kay Ganda values comments from its viewers and we have called the attention of Anthony Taberna on the concern you have raised. Rest assured, we are addressing this matter.”

(Photo source: Instagram – @iamtunying28)


Share This Post