Basher tinawag na ‘boba’ si Jessy Mendiola dahil sa maling spelling

Basher tinawag na ‘boba’ si Jessy Mendiola dahil sa maling spelling

Nagkamali ng pag type si Jessy Mendiola sa salitang ‘price’ na imbes na ‘price’ ay ang naitype nya ay ‘prize.’ Ito ay ng may nagtanong sa kanya kung magkano ang binarayan niya sa pag-sky dive.

Agad namang inamin ni Jessy ang pagkakamali at sinabing typo lamang ito.

– “starting prize at 350 NZ dollars :)”

– “Sorry guys! Price* typo 😘😘😘 thanks for pointing it out!!!! 😂😘”

Ngunit may isang basher na hindi pinalagpas ang pagkakamaling ito at tinawag na ‘boba ang aktres’

– “Typo ka Jan.. Hahahahja lau ng c at z eh..petmalu ka din eh.. Hahahahhaha.. Boba lang..”

Na sinagot naman ni Jessy ng:

– “okay. Mas petmalu ka kasi hindi mo mapakita face mo. 😘 perfect mo siguro no?”

(Photo source: Instagram – @senorita_jessy)


Share This Post