Clarence Delgado graduate na sa elementary

Clarence Delgado graduate na sa elementary

Naging isang magandang halimbawa ang batang aktor na si Clarence Delgado na kahit gaano pa sya kaabala sa kanyang showbiz career ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Nagtapos kamakailan si Clarence ng elementary sa Immaculate Concepcion Cathedral School – Lantana, Cubao.

Hindi lang basta-basta nagtapos si Clarence dahil nagtapos ito with ‘honors’.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Clarence sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya:

“Thank you po Lord nakayanan ko po lahat..❤️🙏🏻Sa 6years ko po sa regular school ay napag-sabay ko rin po ang buhay-showbiz🎭
Thank you po sa Magulang ko at sa pamilya 💑👨‍👩‍👧‍👦👴🏼👵🏼ko po na laging gumagabay at naka-suporta po sa akin.. Kayo po ang laging inspirasyon ko❤️ Thank you rin po sa mga Teachers ko,school principal at kina Sisters po na walang sawang umunawa at suporta sa akin sa school… Maraming, Maraming Salamat po! Mahal ko po kayo!
#kapagmaytiyagamaynilaga”

🎓with Honors 🏅 #thankyoulord #kapagmaytiyagamaynilaga

A post shared by Clarence Delgado (@clarencedelgado) on

(Photo source: Instagram – @clarencedelgado)


Share This Post