Connect
To Top

Coco Martin sends emotional farewell message to Eddie Garcia

Nagluluksa si Coco Martin sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia noong Huwebes (June 20, 2019) dahil sa neck fracture na kanyang natamo sa taping ng bagong teleserye. Nagkasama sina Coco at Tito Eddie sa “Ang Probinsyano.”

Dama ang lungkot ni Coco sa kanyang mensahe na kanyang ipinarating sa pamamagitan ng social media:

==========

Related Stories:

GMA-7 releases official statement on the passing of actor Eddie Garcia

Mundo ng showbiz nagluluksa sa pagpanaw ni Eddie Garcia

Eddie Garcia passes away

==========

“Diko mapaliwanag ang lungkot at sakit nanararamdaman namin ngayon. iniisip ko nalang po na ang Diyos ang may kagustuhan ng lahat ng nangyayari para sa atin.

Maraming salamat sayo Lo sa lahat ng ating mga kwentuhan at tawanan at sa ating mga masasayang mga oras na magkasama. malayo man ang edad natin pero tinanggap mo ako bilang kaibigan mo. Hanggang sa muling pagkikita natin Lo mabuhay ka at alam ko nandito kalang sinusubaybayan mo kami.

hindi namin kakalimutan ang lahat ng mga pangaral mo para sa amin isakang huwaran ng mabuting tao at mahusay na artista at direktor Mahal na mahal ka namin Lo!!! R.I.P”

(Photo source: Instagram – @mr.cocomartin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News