Connect
To Top

Diana and Sky react to comments that they are not supporting Kiara

Inulan ng batikos sina Diana Mackey at Sky Quizon dahil daw sa kanilang reaksyon nang itanghal na Batch 4 big winner si Kiara Takahashi. Bago i-announce ang big winner ay natanong sina Diana at Sky kung sino sa palagay nila ang magiging Batch 4 Big Winner.

Ang sagot ni Diana ay si Argel Saycon at ang sagot naman ni Sky ay si Wealand Ferrer.

==========

Related Stories:

Mommy at sister ni Kiara Takahashi tuwang-tuwa sa kanyang pagiging ‘PBB Batch 4 Big winner’

“PBB: Otso” batch winners: Lie, Yamyam, Ashley, Kiara

PBB: Kiara at Lou pinagkukumpara na ng mga netizens

==========

Sa mga video na nakapost sa social media ay makikitang napatayo si Gino Roque dahil sa pagkapanalo ni Kiara samantalang si Diana at Sky ay nakaupo na pumapalakpak. Katakot-takot na pambabash ang natanggap nina Diana at SKy mula sa netizens at inaakusahan silang hindi daw sumusuporta kay Kiara.

Sa kanilang respective Twitter account ay nilinaw nila Diana at Sky na suportado nila si Kiara. Hindi daw porke’t hindi sila tumayo ay nangangahulugang hindi na nila suportado si Kiara. Idinagdag ni Sky na magiging masaya siya kahit sino pa ang manalo.

(Photo source: Instagram – @skyianapill)

You must be logged in to post a comment Login

More in News