HASHTAG: Imagine You and Me (Review)

HASHTAG:  Imagine You and Me (Review)

Pinanood ko ang “Imagine You and Me” (IYAM) nina Alden Richards at Maine Mendoza ng walang expectations. Marami na ding akong nabasang reviews about the movie, at marami na din akong nabasang mga papuri at mga pintas tungkol sa pelikula at sa mga artista nito.

Hindi ko na ikwekwento ang plot ng movie dahil I am sure most of you eh alam na kung ano ang istorya nito. So I will just focus on what I think about the film.

Unahin na natin yung lugar kung saan ginawa ang movie – sa Italy. Dito pa lang ay masasabi ko ng pinag-gastusan talaga ang IYAM, hindi ito tinipid. Pwede namang gawin yung pelikula dito sa Pilipinas, pwede namang gawin ito sa kung saang lugar dito sa Pilipinas – pero sa Italy pa ito ginawa at talaga namang nag-enjoy ako sa mga views and scenic spots na ipinakita sa pelikula.

Yung plot ng story ay light. Sabi ko nga hindi ako nag-eexpect ng isang heavy drama or tearjerker film, I just want to enjoy the movie and I did. Ito yung tipong movie na wala kang pwedeng itapon sa mga characters ng movie. Lahat ng characters sa movie ay importante ang role na kanilang ginagampanan at bihira ito sa isang pelikula.

Pagusapan naman natin ngayon yung mga artista at ang kanilang pag-arte. Unahin natin si Jasmine Curtis-Smith (Isay). Bagama’t maliit lang ang role niya dito ay meaty naman at importante ang kanyang character sa movie. Jasmine was so believable and convincing. It provided the movie additional excitement aside from the love story of Alden and Maine.

Pumunta naman tayo kay Alden Richards (Andrew). Ano pa ba ang masasabi mo kay Alden. Alden is Alden. Ngiti at dimples pa lang eh ulam na. But Alden offered more that his good looks. Bagay siya sa role niya. Galit sya kung galit, masungit kung masungit, masaya kung masaya at inlove kung inlove. More movies for Alden and I am confident na mas lalo pa siyang gagaling.

Last but not the least, pagusapan natin si Maine Mendoza (Gara). Sa mga nagsasabing hindi marunong umarte si Maine, I beg to disagree. For someone who is acting for her first movie, I will give Maine a grade of excellence. Maine was able to portray her character with flying colors. She may not be perfect in the movie but who is? Alam kong forte ni Maine ang magpatawa, pero yung kanyang mga drama scenes ay isang revelation para sa akin. Hindi pilit ang pag-arte niya, parang bang kahit tanggalin mo yung camera eh ganun pa din ang gagawin niya – hindi siya umaarte sa movie.

At sympre, hindi natin dapat kalimutan na halatang inlove and dalawa (Alden and Maine). Watch the movie para malaman nyo kung ano ang ibig kong sabihin.

Ano ang ayaw ko sa “Imagine You And Me”. Kung meron man, ito ay yung pag-dubsmash ni Maine at yung pag make face nya sa movie. Bakit? Dahil nung ginawa ni Maine yun sa movie ay pumasok sa isip ko si Yaya Dub at si Maine nung nagsisimula pa lamang siya. Sana ay hindi na ito isinama sa IYAM dahil Maine is not playing Yaya Dub or is not representing Maine in the movie – she is playing Gara. Pero minor lang naman ito at hindi ito naka-apekto sa movie.

Congratulations Alden and Maine. Looking forward to your next movie.

(Article written by: Gerald Imho)
(Photo Source: GMA Network / Maine Mendoza)


Share This Post