Heart Evangelista balik gym

Heart Evangelista balik gym

Abala ang aktres na si Heart Evangelista sa kanyang sining kagaya ng pagpinta ng canvass at pagpinta ng mga bags. Not to mention na may mga shows pa siyang ginagawa at mga responsibilidad bilang maybahay ni Senator Chiz Escudero.

Nguni’t mukhang na-realize ni Heart na kahit gaano pa siya ka-busy sa kanyang mga ginagawa ay hindi niya dapat pabayaan ang kanyang kalusugan. Kaya naman mukhang babalikan na ni Heart ang pagpunta sa gym para lalo pang mapaganda ang kanyang kalusugan.

Sa kanyang Instagram account ay nagpost si Heart ng kanyang larawan na naka swimsuit at ang mensahe niya ay: “Going back to the gym.”

(Photo source: Instagram – @iamhearte)


Share This Post