Iiwan na nga ba ni Michael V. ang ‘Bubble Gang’?

Iiwan na nga ba ni Michael V. ang ‘Bubble Gang’?

Sa loob ng 22 taon na pagpapatawa sa pamamagitan ng programang ‘Bubble Gang’, ay inamin ni Michael V. na darating din ang araw na siya sa gra-graduate din sa nasabing comedy sitcom.

Sa isang panayam sa Inquirer.net, inamin ni Michael V. na sumasagi na sa isipan niya ang magbigay daan na sa mga bagong talents.

“I feel compelled to teach them. I’m simply waiting for people to step up. They’re good performers, but no one writes or is part of the creative team—wala pa so far ’yung full package” sabi ni Michael V.

“I want the show to continue, not necessarily with me or the same cast. We stick to original material as much as possible. If we have to copy or spoof something, we spiff it up so it becomes a signature ‘Bubble Gang’ gag.” dagdag pa ni Michael V.

Balak ituloy ni Michael V. ang filmmaking kung saka-sakaling dumating na ang panahon na kailagan na siyang magpa-alam sa ‘Bubble Gang.’

(Photo source: Instagram – @michaelbitoy)


Share This Post