INSTA PIC: Maine Mendoza – Noon at Ngayon

INSTA PIC:  Maine Mendoza – Noon at Ngayon

Kahit siguro si Maine Mendoza ay hindi naisip na darating ang araw na mula sa isang pagiging fan ay magiging isa siyang big star sa Philippine showbusiness – Phenomenal Star nga ang tawag sa kanya.

Saan ka man magpunta ngayon ay makikita mo ang larawan ni Maine – sa mall, sa Edsa, online, magazine at marami pang iba.

Ibinahagi ni Nelson Canlas ang isang larawan na kung saang makikitang nagpa-picture ang batang Maine sa kanyang idol na si Richard Gutierrez. Pagkalipas ng ilang taon ay partner na ni Maine si Richard sa naganap na Bench event noong Sabado (November 18, 2017) sa MOA Arena.

(Photo source: Instagram – @nelsoncanlas)


Share This Post