INSTA PIC: Prenup photo ba ito nina Jessy Mendiola at Luis Manzano?

INSTA PIC:  Prenup photo ba ito nina Jessy Mendiola at Luis Manzano?

Nagtatanong ang mga tagahanga at tagasubaybay nina Jessy Mendiola at Luis Manzano kung prenup photo na ba ang larawan na ibinahagi ni Raymund Isaac sa kanyang Instagram account. Marami ang nagulat nguni’t nagandahan at natuwa sa picture na ito na kinunan sa Anilao Batangas.

Sa post ni Raymund ay nilagyan niya ito ng caption na:

==========

Related Stories:

Jessy Mendiola thanks TC Candler for being on the list of “100 Most Beautiful Faces of 2017”

Luis Manzano ipinakilala si Jessy Mendiola kay Vilma Santos at Edu Manzano

Jessy Mendiola inaming nagpaparinig na ng kasal si Luis Manzano

==========

“@luckymanzano & @senorita_jessy are such a lovely & fun couple to be with. Thank u for making this day more of a pleasure than work.”

Lalong nagtanong ang mga netizens nang magcomment si Luis ng: “Thanks kuya sa pre-nup! :) pa send pics please!! ;)” na sinagot naman ni Raymund ng “@luckymanzano pre nup talaga? Alam ba ng nanay mo yan?”

(Photo source: Instagram – @raymundisaac)


Share This Post