Isabel Granada bibigyan ng military honors ng Philippine Air Force

Isabel Granada bibigyan ng military honors ng Philippine Air Force

Bibigyan ng military honors ang namayapang aktres na si Isabel Granada pagdating ng kanyang mga labi sa Pilipinas. Ito ay ayon sa isang tweet ni ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.

Ayon sa tweet ni MJ, ibinahagi sa kanya ni Bianca Lapus na bibigyan ng military honors si Isabel dahil nagsilbi itong Airwoman 2nd class sergeant ng dalawang taon noong siya ay nabubuhay pa.

(Photo source: Instagram – @isabelgranada21)


Share This Post