Janella Salvador at Elmo Magalona hindi na kasali sa “Kung Kailangan Mo Ako”

Janella Salvador at Elmo Magalona hindi na kasali sa “Kung Kailangan Mo Ako”

Malugkot na ibinalita nina Janella Salvador at Elmo Magalona na hindi na sila kasali sa soap na “Kung Kailangan Mo Ako.” Unang ibinalita na makakasama nina Joshua, McCoy de Leon, Elisse Joson, Alexa Ilacad, at Nash Aguas sina Janella at Elmo.

Ayon sa balitang inilathala ng Push, marami ang nagbago sa nasabing soap at isa na dito ang di pagsali nina Janella at Elmo.

“Since nung last draft nung show, maraming nabago. Ang nangyari nagbago ng cast. Sabi kasi hindi na kami magiging part nun,” sabi ni Elmo.

“Or yung roles namin supposedly ibang iba na from when it started. I don’t think it would benefit the show or even kami kung itutuloy pa namin.” dagdag ni Janella.

(Photo source: Instagram – @elmomagalona)


Share This Post