Joey De Leon inulan ng batikos dahil sa ‘nalunod’ caption sa Instagram

Joey De Leon inulan ng batikos dahil sa ‘nalunod’ caption sa Instagram

Nasasangkot muli sa isang kontrobersya ang komendyanteng si Joey De Leon dahil sa kanyang Instagram at Twitter post na kung saan ay ginamit niya ang salitang ‘nalunod.’ Sa kanyang caption ay sinabi ni Joey na “Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!”

Iniugnay ito ng ilang netizen sa pagkamatay ng Hashtags member na si Franco Hernandez na nalunod ng ito ay nagbakasyon sa Davao Oriental.

Ayon sa ilang mga netizens ay wala sa lugar ang caption ni Joey at hindi na binigyang galang ang pamilya at mga nagmamahal sa pumanaw na binatilyo. May iba namang netizens na nagsasabing walang ibig sabihin dito si Joey at ito ay nagpost lamang ng kanyang saloobin tungkol sa Dead Sea.

May iba namang nagsasabi na maaring mali lamang ang timing ng pag-post ni Joey. Binura na ni Joey ang caption niya sa Instagram at Twitter.

(Photo source: Instagram – @angpoetnyo)


Share This Post