Connect
To Top

Julia Montes nanganak na nga ba dito sa Pilipinas?

Hindi mamatay-matay ang balitang nanganak na ang magandang aktres na si Julia Montes at ang pinakahuling update nga ay dito daw sa Pilipinas nanganak ang panganay ni Julia, na pinaniniwalaang si Coco Martin ang ama.

Sa isang report ng Pep.ph ay sinasabing nanganak na nga daw si Julia ayon sa ilang showbiz insiders. Pero hanggang sa sinusulat ang ulat na ito ay walang pag-amin o pagtangging ginawa ang dalawang kampo. Nanatiling tikom ng dalawa tungkol sa issue.

Nguni’t ayon naman sa mga fans ay mas ikakatuwa pa daw nila kung totoo daw ang balita. Bagay naman daw sila Coco at Julia at nasa tamang edad na rin daw sila.

Hintayin natin ang official statement nina Coco at Julia.

(Photo source: Youtube screengrab – @Titsmosa)

You must be logged in to post a comment Login

More in News