Julia Montes pinagseselosan nga ba ang tambalang Yassi Pressman – Coco Martin?

Julia Montes pinagseselosan nga ba ang tambalang Yassi Pressman – Coco Martin?

Naiintrigang muli si Julia Montes patungkol sa mga balitang pinagseselosan daw niya ang tambalang Yassi Pressman at Coco Martin. Si Coco ang inuugnay ngayon sa magandang dalaga. Ayon sa mga bulong-bulungan ay hindi daw magkasundo ngayon sina Julia at Yassi.

Si Yassi ay kasali sa ‘Ang Probinsyano’ na pinagbibidahan ni Coco. Nagtungo kamakailan ang Probinsyano team sa Dubai at Hongkong upang magtanghal sa mga tagahanga ng teleserye.

Pinabulaanan ni Julia ang mga balitang nagseselos siya kay Yassi at sinabing pinagtatawanan lang daw nila Yassi ang mga naglalabasang balita. Sa isang artikulo na inilabas ng ABS-CBN News ay sinabi ni Julia na walang problema sa kanila ni Yassi.

Ang saya sayaaaaa!!! 😄😄😄😄😄😄😄😄😄 #Dubai #DesertSafariAdventure

A photo posted by Yassi Pressman (@yassipressman) on

“Bagay sila. Kayo naman kasi, lagi lang may issue sa inyo. Wala namang issue. Actually nakakatawa nga, kanina pa namin pinagtatawanan ni Yassi na, uy may issue,” sabi ni Julia.

(Photo source: Instagram – @yassipressman)


Share This Post