JV Ejercito reacts to family losing in the 2019 election

JV Ejercito reacts to family losing in the 2019 election

Buong pagpapakumbaba na inamin ni Senator JV Ejercito na isang malungkot na kabanata ang pagktalo ng pamilya Estrada sa nakaraang midterm election. Sa kasalukuyan ay nasa pang 13 na pwesto si JV sa senator race samantalang ang kanyang kapatid na si Jinggoy Estrada ay nasa ika-15 na puwesto.

Ang kanyang ama na si Joseph Estrada ay natalo din sa pagka-mayor na Maynila. Si Isko Moreno ang nangunguna sa tabulation. Sa San Juan naman ay si Francis Zamora naman ang nanalo bilang mayor, tinalo naman niya si Janella Ejercito Estrada.

==========

Related Stories:

Villar, Poe, Go lead partial and unofficial senatorial election results

Celebrities react to partial and unofficial result of 2019 Senate race

Netizens react to Jake Ejercito’s tweet that Mocha Uson is ‘garbage’

==========

Sa kanyang interview sa GMA-7 ay inamin ni JV na mas mataas at mas malaki sana ang kanyang pag-asang manalo sa senado kung isa lamang daw sa kanila ng kanyang kapatid ang tumakbo.

Nang tanungin kung may pag-asa bang magka-ayos na sila ng kanyang ama na si Joseph Estrada at kapatid na si Jinggoy. Sinabi ni JV na nagkausap na sila ng kanyang ama nguni’t panahon na lamang ang makakapagsabi kung magkaka-ayos sila ni Jinggoy.

(Photo source: Instagram – @jinggoyestrada29)


Share This Post