Connect
To Top

Karla Estrada explains why she wants people to know about Daniel’s advocacy

Ipinaliwang ni Karla Estrada ang kanyang dahilan kung bakit gusto niyang malaman ang mga ginagawa ng anak niyang si Daniel Padilla sa pagtulong sa mga nangangailangan. May iba kasing mga netizens na nagsasabing bakit pa daw kailangang ipagsabi ang ginagawa ni Daniel.

Sa isang episode ng ABS-CBN morning show na ‘Magandang Buhay’ na kung saan ay isa sa host si Karla ay sinabi niya ang dahilan.

==========

Related Stories:

WATCH: Karla Estrada naglalaba pa din kahit maykaya na sa buhay

Karla Estrada flaunts curves in this throwback photo

Bahay nila Karla Estrada paskong-pasko na

==========

“Alam mo napakalaking halaga sa akin na maipaliwanag ‘yan yung mga pagtulong natin. Kasi sayang ‘yung milyon-milyon na tagasubaybay, lalo na kay Daniel, ang mga tagahangang napakarami. Na gusto ko ang makita nila ay ‘yung magandang kaugalian at ‘yun ang kanilang sundan, hindi ba?” paliwanang ni Momshie Karla.

“Number 1 ‘yung pagiging matulungin, Number 2 ay yung pagiging pagkakapwa tao kasi sayang eh para maka-inspire ka talaga. Higit sa lahat gamitin mo ang kapangyarihan mo sa maganda. Dapat gayahin ang tama hindi yung pansinin ng pansinin ang mali,” dagdag ni Karla.

(Photo source: Instagram – @karlaestrada1121)

You must be logged in to post a comment Login

More in News