Kiko Pangilinan on Sharon Cuneta: “patay na patay pa rin sa akin”

Kiko Pangilinan on Sharon Cuneta:  “patay na patay pa rin sa akin”

Marami ang nagtatanong kung ano kaya ang nararamdaman ni Senator Kiko Pangilinan sa commercial na ginawa ng kanyang asawang si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Usap-usapan ang reunion project nina Sharon at Gabby, at marami ang kinilig sa pinaka-sikat na loveteam ng 80s.

Kaya naman hindi na tinantanan si Senator Kiko kung ano kaya ang kanyang nararamdaman sa balik tambalang Sharon – Gabby.

Sa isang artikulo na inilathala sa GMA News Online, sinabi ng Senador na buo ang kanyang suporta sa asawa at wala ng lugar ang pagseselos.

“Sabi kumusta raw si Sharon? Ang sagot ko e patay na patay pa rin sa akin,” biro ni Senator Kiko. “Sabi ko, trabaho ‘yan. At saka sa akin… magsi-sixty na ‘ko. ‘Yung mga selos-selos e ano na ‘yan. Magti-twenty-two years na kaming kasal. So… ang mahalaga diyan is support,” dagdag ng Senador.

Sa kanyang Facebook ay inulit ni Senator Kiko ang kanyang suporta para kay Sharon.

“Congratulations on your nomination for Best Actress in this year’s STAR Awards and on the highly successful McDo commercial launch, Sweetheart! Hallelujah! God is good. You have my 110 percent all out support and admiration! Wonderful! Bravo!!!”

(Photo source: Instagram – @reallysharoncuneta)


Share This Post