Kim Chiu at Maja Salvador – Forgive and Forget na nga ba?

Kim Chiu at Maja Salvador – Forgive and Forget na nga ba?

Si Kim Chiu at Maja Salvador ay naging matalik na magkaibigan hanggang sa dumating ang hindi inaasahang pangyayari ay nagkalamat ang kanilang samahan. Ng dahil sa pag-ibig ay nagkaroon ng konting tampo si Kim kay Maja.

Naintriga ang dalawa dahil sa aktor na si Gerald Anderson na naging boyfriend ni Kim at ng matapos ang kanilang samahan ay si Maja ang naging kasunod na karelasyon ni Gerald. Ngunit nagkahiwalay din sina Gerald at Maja. Si Gerald ay nauugnay naman ngayon kay Bea Alonzo.

Sa kakatapos lamang na ABS-CBN Christmas special ay makikitang magkasama sina Kim at Maja. Sa larawan na inilagay ng Star Magic Philippines sa Instagram ay makikitang naka-akbay pa si Kim kay Maja. Tanong ng fans and followers nila – forgive and forget na nga ba talaga sina Kim at Maja?

@iammajasalvador @chinitaprincess #ABSCBNChristmasSpecial

A photo posted by Star Magic (@starmagicphils) on

(Photo source: Instagram – @starmagicphils)


Share This Post