Connect
To Top

Kisses Delavin timeout muna sa social media

Marami sa mga fans at followers ni former Pinoy Big Brother teen housemate Kisses Delavin ang nalungkot dahil sa desisyon ng dalagitang actress na mag-break or mag-tumeout sa social media. Isinara ni Kisses ang kanyang mga social media accounts dahil gusto niyang mag-focus sa paghahanda sa kanyang nalalapit na concert.

Sold-out na ang concert ni Kisses sa April 25 na pinamagatang “A Life Full of Kisses”

Sa huli niyang post ay ito ang sinabi ni Kisses:

“lang araw nalang at malapit na ang aking concert, #ALifeFullofKisses. Alam niyo po, araw-araw na po kami nagre-rehearse at talagang ibinibigay ko po ang aking lahat para sa inyo. You all deserve only the best from me.

Dahil dyan, mawawala muna ako in the next few days dahil malaking challenge ito at kailangan kong ipaghanda ang sarili ko kasama ang lahat ng mga taong mahal ko na parte rito. Mamimiss ko kayong lahat but I know you’ll understand.”

(Photo source: Instagram – @san.shines)

You must be logged in to post a comment Login

More in News