Buong pagpapakumbaba na inamin ni Kris Aquino na sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 na hindi niya kayang talunin ang mga pelikula nina Maine Mendoza, Anne Curtis at Vice Ganda.
Nagsimula ang usapan na ito nang sabihin ng isang basher na magretiro na si Kris. “Mag-retire ka na, I don’t think you can beat Vice Ganda, Anne Curtis, Vic Sotto, Maine Mendoza this year, so save your horror career,” sabi ng basher.
Sa comment section ng kanyang post ay sinagot ni Kris ang sinabi ng isang basher:
“clearly underdog ako, I have had no regular free TV exposure for almost 4 years, unlike bossing, Maine, Anne, and Vice so hindi ganun kataas ang expectations, in essence less pressure”
(Photo source: Youtube screengrab – @Kris Aquino)
You must be logged in to post a comment Login