Kris Aquino interview reveals Kim Chiu and Xian Lim breakup?

Kris Aquino interview reveals Kim Chiu and Xian Lim breakup?

Sa isang panayam ni Kris Aquino kay Kim Chiu na kung saan ay napagusapan ang pelikula ni Kim na ‘The Ghost Bride,’ nabanggit ni Kris ang kanyang dasal na sana makatagpo na siya ng ‘true and lasting love’.

Idinagdag pa ni Kris na ayaw nila ng hindi supportive kay Kim. Ang mga katagang ito ay ikinagulat pa ni Bimby na kasama din sa interview kay Kim.

“Sana may you find true and lasting love. Talaga. Kasi gusto namin yun for you. Kasi ayaw namin ng hindi supportive sayo. Yun lang.” sabi ni Kris.

“Ay talagang di rin napigilan ang sarili” dagdag ni Kris na para bang may gusto pang isiwalat sa madlang pipol.

Dahil sa mga katagang binitiwan ni Kris ay marami ang nagsasabi na mukhang tapos na nga ang relasyong Kim Chiu and Xian Lim. Pero para sa mga KimXi fans, hindi lang daw updated si Kris sa mga nangyayari kaya niya nasabi ang ganon.

Ang totoo daw ay strong pa din sina Kim at Xian.

(Photo source: Facebook – @krisaquino)


Share This Post