Kris Aquino nagpasalamat sa kanyang Pinoy medical team

Kris Aquino nagpasalamat sa kanyang Pinoy medical team

Tumungo si Kris Aquino sa Singapore upang magpatingin at malaman ang tunay na dahilan ng kanyang karamdaman. Dumaan si Kris sa maraming tests at madalas nitong bigyan ng update ang kanyang mga fans at followers sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram.

Sinamahan siya ng kanyang bunsong anak na si Bimby sa Singapore.

Sa kanyang pinakabagong post ay pinasalamatan ni Kris ang kanyang medical team na mga Pinoy.

“sumiksik my bunso. i wanted to say THANK YOU to the wonderful 🇵🇭 nurses and staff… we started the preparation for tomorrow’s 7 AM procedures. Thank you again to all of those praying for my sons, me, and for my doctors. God bless you for your kindness & compassion.”

(Photo source: Instagram – @krisaquino)


Share This Post