Kris Aquino nakauwi na galing China

Kris Aquino nakauwi na galing China

Nakabalik na sa Pilipinas ang aktres at TV host na si Kris Aquino na galing sa Guangzhou, China. Dumalo si Kris ng franchise convention ng isang fastfood chain. Itinanghal si Kris bilang Rookie of the Year 2017 bilang bagong franchisee ng nasabing restaurant.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Kris na siya ay nakatulog na ng 18 oras mula ng siya ay umuwi ngunit kailangan pa niyang bumawi para manumbalik ang kanyang lakas.

(Photo source: Instagram – @krisaquino)


Share This Post