Lolit Solis ibinigay ang kanyang opinyon tungkol sa ‘Gucci’ outfit ni Scarlet Snow

Lolit Solis ibinigay ang kanyang opinyon tungkol sa ‘Gucci’ outfit ni Scarlet Snow

Nagbigay ng kanyang opinyon ang entertainment writer na si Lolit Solis patungkol sa naging usap-usapan ng ‘Gucci’ outfit ni Scarlet Snow. Nagpost si Vicki Belo ng isang video na kung saan suot ni Scarlet ang isang Gucci bag and outfit.

Nag-react ang mga netizens dito at sinabing sana ay hindi masanay ang bata sa mga mamahaling gamit.

==========

Related Stories:

Hayden Kho defends Scarlet Snow Belo over Gucci bag and clothes: “Drop the attachment to it”

Netizens react to Scarlet Snow’s Gucci outfit and bag

LOOK: Scarlet Snow Belo looks like a grown up lady wearing her mom’s hand-me-down dress

==========

Natawa naman dito si Nanay Lolit at sinabing sigurado siyang hindi alam ni Scarlet ang tatak at presyo ng damit na kanyang suot dahil bata pa siya at karamihan daw dito ay regalo:

“Katawa naman iyon mga pumapansin sa mga suot na damit at accesories ni Scarlet hah Salve. Halos lahat nga ng suot niya bigay ng tita Alice Eduardo, Small Laude at Rubby Coyuito niya na talagang love na love si Scarlet at cute na cute sa kanya kaya tuwing may nakikitang mga bagay na maganda para sa bata, binibigay na regalo kay Scarlet.

Sure ako na hindi alam ni Scarlet na ganun kamahal ang mga sinusuot niya at ginagamit. sino bang bata ang alam ang presyo o tatak ng anuman bagay: Huwag naman natin idamay ang bata, kawawa naman. Kahit sila Zia at Talitha ganun din, ang daming natatanggap na regalo sa mga taong tuwang-tuwa sa kanila.

Kasalanan ba na mahal at maganda regalo na natatanggap nila? Be fair, huwag pati bata pinapatulan, huwag ganun kakitid ang utak. Mga angel iyan, sige kayo, malakas kay God ang mga bata, makarma kayo.”

View this post on Instagram

Katawa naman iyon mga pumapansin sa mga suot na damit at accesories ni Scarlet hah Salve. Halos lahat nga ng suot niya bigay ng tita Alice Eduardo, Small Laude at Rubby Coyuito niya na talagang love na love si Scarlet at cute na cute sa kanya kaya tuwing may nakikitang mga bagay na maganda para sa bata, binibigay na regalo kay Scarlet. Sure ako na hindi alam ni Scarlet na ganun kamahal ang mga sinusuot niya at ginagamit. sino bang bata ang alam ang presyo o tatak ng anuman bagay: Huwag naman natin idamay ang bata, kawawa naman. Kahit sila Zia at Talitha ganun din, ang daming natatanggap na regalo sa mga taong tuwang-tuwa sa kanila. Kasalanan ba na mahal at maganda regalo na natatanggap nila? Be fair, huwag pati bata pinapatulan, huwag ganun kakitid ang utak. Mga angel iyan, sige kayo, malakas kay God ang mga bata, makarma kayo. #classiclolita #takeitperminute #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

(Photo source: Instagram – @victoria_belo)


Share This Post