Ipinahiwatig ni entertainment columnist Lolit Solis na kung siya ang nasa lugar ni Bea Alonzo ay dignified silence at taas kilay school of acting gagawin niya patungkol sa issue nila ni Gerald Anderson at Julia Barretto.
Dapat daw ay ipagkibit balikat na lang ni Bea ang mga sinabi ni Julia at sabihing “hoy you don’t belong in my league” at huwag ng mag-react.
==========
Related Stories:
Lolit Solis on Gerald Anderson: “it takes 2 to tango, hindi lahat kasalanan ni Gerald”
Lolit Solis on Julia Barretto’s statement: “ganun pala kalalim ang brains ni Julia sa edad nya”
Netizens criticize Lolit Solis for her statement about Bea-Gerald-Julia controversy
==========
Ayon sa batikang manunulat ay mas lamang daw ang posisyon ni Bea sa controvesy at pinayuhan niya ang aktres na to keep it that way. Narito ang kabuuan ng kanyang post:
“Kung ako naman ang nasa lugar ni Bea Alonzo Salve, dignified silence at taas kilay school of acting gagawin ko. Ang direct accusation ni Julia Barretto na bully siya after nangyari ang lahat, dapat kibit balikat na harapin niya at ‘hoy you don’t belong in my league’ na reaction ang ibigay niya.
No need for answer, no need to explain, wala siya responsibility na ibigay ang side niya. So ayaw mo na sa akin go where you want, no hurt feelings, my self respect is intact, thanks for the goodtimes, goodbye.
Self defense iyon makita matatag ka, hindi umiiyak, hindi mukhang kawawa. Mas nakakainis iyon para bang nag self pity ka at humihingi ng awa sa mga tao sa paligid mo. Let the natural flow of things happen, in the end we will know who won the game.
Sa tatlo, mas lamang posisyon ni Bea Alonzo, keep it that way. Wala lang, ayaw mo na, ok, face the consequences, life will go on for me, Bea Alonzo ako noh! Hah hah, winner!”
(Photo source: Instagram – @beaalonzo)
You must be logged in to post a comment Login