Lorna Tolentino sinagot ang tanong tungkol sa pagbubuntis diumano ni Julia Montes

Lorna Tolentino sinagot ang tanong tungkol sa pagbubuntis diumano ni Julia Montes

Isa si Lorna Tolentino sa mabuting kaibigan ni Julia Montes. Nagsimula ito nang magkasama ang dalawa sa teleseryeng ‘Asintado.’ Sa isang panayam nina Cristy Fermin, Mr. Fu and Lolit Solis ay naitanong kay Lorna ang kalagayan ngayon ni Julia at kung totoo bang ito ay buntis.

Sa ulat ng Pilipino Star Ngayon ay sinabi ni Lorna na nagkakausap pa din sila ni Julia sa Asintado viber group nila at idinagdag pa ng magandang aktres na binati pa niya ito nang birthday ni Julia.

==========

Related Stories:

Netizens natuwa nang magpost muli si Julia Montes sa social media

Lolit Solis on Coco Martin and Julia Montes’ issue: “Hindi nila obligasyon kahit kanino ang explanation”

Ogie Diaz on why Julia Montes is silent: “Hayaan nyo muna siyang namnamin ang pagiging ina”

==========

Tinanong ni Nanay Lolit kung malaki ba ang tyan ni Julia nang ginagawa nila ang Asintado. Walang kaabog-abog na sinagot ni Lorna ang tanong ng ‘Hindi. Hindi talaga.’ Kinamusta naman ni Nanay Cristy si Julia at sinabi ni Lorna na hindi na nya alam ang nangyari dahil nag ‘Ang Probinsyano’ na siya.

Hanggang ngayon at tahimik pa din ang kampo nina Julia patungkol sa balita ng kanyang pagbubuntis at panganganak.

(Photo source: Instagram – @montesjulia08 / lornatolentinofernandez)


Share This Post