Lovi Poe itinangging para kay Jessy Mendiola ang kanyang leg photo

Lovi Poe itinangging para kay Jessy Mendiola ang kanyang leg photo

Itinanggi ni Lovi Poe na ang leg photo na kanyang inilagay sa kanyang Instagram account ay may ibang kahulugan at nilinaw ng aktress na wala itong kinalaman kay Jessy Mendiola.

Nagsimula ang usapan sa kanyang Instagram account ng natanong ang isa niyang follower kung ang leg photo ay patungkol kay Jessy.

“Is this for @senorite_jessy? @poevirginia”

Agad namang sinagot ni Lovi ang tanong sa pamamagitan ng isang post sa comment section:

“of course not. she’s indeed one of the most beautiful and sexiest women in the industry. let’s not put meaning to this post po. God bless.”

(Photo source: Instagram – @poevirginia)


Share This Post