Mark Herras nag-react sa balitang relasyon nila WinWyn at Alden: “Bahala sila kung totoo man yun or hindi”

Mark Herras nag-react sa balitang relasyon nila WinWyn at Alden:  “Bahala sila kung totoo man yun or hindi”

Naitanong kay Mark Herras kung ano ang kanyang reaksyon o masasabi sa napapabalitang pagkakamabutihan nina WinWyn Marquez at Alden Richards. Matatandaang nagkaroon ng relasyon sina Mark at Wynwyn.

Sa isang article na isinulat ng Pep.ph, ay nagbigay si Mark ng kanyang salooobin sa nasabing balita.

“Bahala sila kung totoo man yun or hindi, di ba? Alam ko naman. I mean, I’m not here to judge, pero kilala ko sila.” panimula ni Mark.

Nang tanungin si Mark kung may possibility bang magkabalikan pa silang muli ni WynWyn, ito ang naging tugon ni Mark: “Huwag na nating pag-usapan ang second chance, Okay kaming friends.” sagot ni Mark.

(Photo source: Instagram – @rosegarciafab)


Share This Post