May tampuhan bang namamagitan kina Kris Aquino at Boy Abunda?

May tampuhan bang namamagitan kina Kris Aquino at Boy Abunda?

Usap-usapan sa social media kung may tampuhan nga ba ang super close friends na sina Kris Aquino at Boy Abunda dahil sa balitang pagpirma ni Kris ng kontrata sa APT Entertainment na pinamumunuan ni Mr. Tony Tuviera.

Tinatanong ng ilan kung ano na ang mangyayari sa kanilang friendship at business relationship sa nababalitang napipintong paglipat ng Queen of All Media sa Kapuso Network.

Nguni’t ang iba naman ay nagsasabing napakaliit na bagay daw ito para magkatampuhan ang dalawa na subok na ang pagsasama. Kung ilang unos na din ang dinaanan ng kanilang pakikipagkaibigan at nanatili pa din silang ‘close friends’. Imposible daw na ang balitang pagpirma ni Kris ng kontrata with APT Entertainment ang bubuwag sa kanilang pagkakaibigan.

Wala pa ding official statement na inilalabas si Kris at ang APT Entertainment sa kumakalat na pirmahan.

(Photo source: ABS-CBN)


Share This Post