Mga pasaway na netizens na kumuha ng larawan ni Isabel Granada pinagsabihan

Mga pasaway na netizens na kumuha ng larawan ni Isabel Granada pinagsabihan

Nasa Santuario De San Jose na ang mga labi ng namayapang aktres na si Isabel Granada at ito ay bukas para sa lahat ng gustong masilayan at makiramay sa pamilya ni Isabel. Ang isa sa mga paalala sa lahat ng bumibisita ay ang pagbabawal ng pagkuha ng larawan ni Isabel.

Nguni’t may ilang sa mga bisita na hindi sumunod sa pakiusap ng pamilya at kumuha ng photo ni Isabel at ipinost ito sa social media. Hindi ito ikinatuwa ng kaibigan ni Isabel. Nagpost ng mensahe ang kaibigan ni Isabel na si Bianca Lapus:

“Sa mga dumadalo sa public viewing ni Isabel, nagpapasalamat po kami sa oras at pagmamahal na inaalay niyo sa kanya pero may signages at announcements po na Sana wag naman po picturan yung mukha nya. Sana po irespect naman natin ang kahilingan ng kanyang Pamilya. Si mama guapa nga po hindi makalapit sa anak niya at ayaw niya makita sa ganong kalagayan pero kinakalat niyo pa. Respeto lng po pwede niyo naman makita ng personal eh pinagbigyan na nga kayo na makita sya eh. Salamat. #ripisabelgranada #isabelgranada #respect”

(Photo source: Instagram – @Lalaine Bianca Lapus)


Share This Post