MMFF 2016: A Risky Decision and a Wrongful Execution

MMFF 2016: A Risky Decision and a Wrongful Execution

December 25, 2016 ang pagsisimula ng taunang Metro Manila Film Festival kung saan naging kaugalian na ng pamilyang Pilipino ang manood ng pelkula sa araw ng pasko. Nguni’t kakaiba ang MMFF ngayong 2016 dahil ang walong (8) pelikulang kalahok ay mga independent films.

Nawala ang mga pelikulang nakasanayan ng panoorin ng pamilyang Pilipino kagaya ng mga pelikula nina Vic Sotto, Vice Ganda, Kris Aquino, John Lloyd Cruz, at iba pa. Nawala si Enteng Kabisote at si Praybeyt Benjamin. Dahil ayon sa pamunuan ng MMFF, mas gusto nilang itaas ang antas ng kalidad ng pelikulang Pilipino kaya mga independent films ang kanilang pinili.

Nag-ikot ako sa mga sinehan sa mga malls at ito ang aking nakita:

SM North Edsa:

Trinoma:

Bagama’t dalawang mall lamang ang aking binisita, malaking pagkakaiba ang aking nakita kung ikukumpara mo ang MMFF 2015, 2014, at iba pang MMFF sa mga malls na ito na kung saan pinipilahan talaga ang mga MMFF films.

Nasaan ang mga pamilyang Pilipino? Tinanong ko ang ilang mga pamilyang aking nakita doon kung bakit hindi sila nanonood ng mga MMFF films, at ito ang mga sagot na nakuha ko:

– hindi po namin alam ang mga pelikula at maliban sa ilan, hindi namin kilala ang mga artista

– indie films pero pareho ang presyo ng tickets

– napanood na ng mga anak namin yung pelikula ni Vice at ni Bossing Vic. OK na po yun.

– ikakain na lang po namin ung natitira naming pera para sa Pasko

At nakita ko ngang mas marami pa atang taong nanonood ng trailers ng pelikula kaysa sa nakapila para bumili ng ticket dahil hindi nila alam ang mga kalahok sa MMFF 2016 maliban sa “Vince, Kath and James” dahil sa Star Cinema at “Die Beautiful” dahil nagwagi ito ng International awards at nasa GMA-7 si Paolo Ballesteros. In other words, they have a venue to promote their films. But how about the rest.

Wala akong problema sa gustong ma-achieve ng pamunuan ng MMFF nguni’t napaka-risky ng kanilang ginawa itong taong 2016. With all due respect, totally eliminating commercially proven films in lieu of the so-called “quality films” is a wrong move. In business, there is such a thing called “calculated risk.” Mas maigi siguro kung hinati ng MMFF ang pagpili ng pelikula – 4 na commercial films at 4 na indie films.

Tama si Mother Lily sa sinabi nitong “Christmas is for family.” People want to be entertained. And for MMFF to say that it’s time to focus on the quality of the MMFF entries I feel is an insult to movie producers, artists and to movie goers.

Ano ba ang quality? Sino ba ang may karapatan na magsabi kung ang isang bagay ay may kalidad o wala? Di ba ang mga tumatangkilik nito. Kung walang kalidad ang “Super Parental Guardians”, “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” at “Mano Po 7 – Tsinoy”, sa tingin nyo ba ay panonoorin ito ng mga Pilipino? Akala ko ba matalino na ang Filipino moviegoers? Sinasabi ba natin na hindi sila marunong kumilatis ng quality films sa walang quality?

Naaala ko pa nung bata pa ako at pinipilit akong pinapakain ng nanay ko ng ampalaya na talaga namang ayaw ko. Kahit anong pilit at palo ang gawin ng nanay ko ay isusuka o iluluwa ko ang amplayang pilit niyang ipinapakain sa akin.

Sabihin na nating mas may kalidad ang mga independent films na inalahok sa MMFF ngayong 2016, isa lang ang tanong ko – aanhin ko naman ang kalidad kung wala namang nanonood. It’s an exercise in futility if you ask me.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat.

(Article written by: Gerald Imho)


Share This Post