Connect
To Top

Mocha Uson isosoli ang award ng UST

Nagpasya si Asec. Mocha Uson na isoli na ang award na ibinigay sa kanya ng UST Alumni. Ginawaran si Asec. Uson ng “Thomasian Award for Gov’t Service.” Sari-saring batikos ang natanggap ni Asec. Uson at ng Alumni association dahil sa hakbang na ito.

Ayon kay Asec. Uson, mas maraming problema ang bansa na dapat harapin kaysa sa kanyang nakuhang award. Narito ang kanyang post:

==========

Related Stories:

Mocha Uson sinagot ang suggestion ni Karen Davila na isoli niya ang UST award

UST releases official statement over Asec. Mocha Uson award

Mocha Uson nagpasalamat sa parangal na binigay ng UST; may mensahe sa mga bashers

==========

“Ako po ay humahanga sa UST Alumni Association Inc. dahil sa kabila ng pambu-bully ng ilang Thomasians sa kanila sila ay nanindigan. Lingid sa kaalaman ng lahat bago pa po lumabas ang statement nila ay sinabi ko na po sa President ng UST Alumni Association Inc. na si Sir Henry Tenedero na akin na pong isasauli ang award. Ngunit sinabi niya sa akin na wala sa isip nila na ito’y bawiin. Hindi ko lamang ito isinapubliko dahil sobrang nao-OA na ako sa ilang Thomasians sa pagpapalaki ng issue na ito.

Marami pa pong mas mahahalagang bagay ang dapat pinag-uusapan kesa dito. TAMA NA ANG DRAMA at pag-usapan na natin ang mahahalagang bagay tulad ng pagtulong sa mga naturukan ng DENGVAXIA at panagutin ang mga may sala dito. Hindi na biro ito. Dapat ay may gawin ng hakbang ang DOH para mas makatulong sa ating mga kababayan. Pagtuunan din natin ang mga kababayan natin na naapektuhan sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon. Let’s all MOVE ON at tumulong tayo sa ating mga kababayan.”

(Photo source: Facebook – @Mochablogger)

You must be logged in to post a comment Login

More in News