Movie Review: ‘Deadma Walking” – A movie about true friendship

Movie Review:  ‘Deadma Walking” – A movie about true friendship

So far, ang MMFF 2017 entry na ‘Deadma Walking’ ang nagustuhan ko sa aking mga napanood. Napaka-natural ng acting nina Joross Gamboa (John) at ni Edgar Allan Guzman (Mark) na gumanap bilang magkaibigan na gay.

Si Joross ay isang businessman samantalang si Mark naman ay isang theater actor.

==========

Related Stories:

WATCH: EA Guzman Party Challenge

Joross Gamboa: The Actor, Husband and Father

==========

Nalaman ni Joross na may taning na ang kanyang buhay kaya’t pinakiusapan niya ang kanyang kaibigang si EA na magkuwanring namatay na si John para malaman niya kung ano ang mga sasabihin sa kanya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang staged eulogy.

Halos dun umikot ang istorya with some twists na hindi ko na babanggitin at ayaw kong maging spoiler dun sa mga may balak panoorin ang pelikula.

FEEL

Ang nagustuhan ko sa pelikula ay ang pagiging natural nina Joross at EA. Hindi gumamit ng gay lingo ang mga characters at simpleng tono, pilantik ng kamay at kilay lamang ang ginamit upang ipabatid na sila ay gays.

So natural na kapag hindi mo kilala sina Joross at EA ay aakalain mo talagang gays sila.

Matatawa ka sa mga eksena nila at ang nakakagulat ay may mga eksenang maiiyak ka din. Malinis ang takbo ng istorya at walang part na parang malilito ka kung bakit ganito o bakit ganyan.

Ang isa pang bentahe ng pelikula ay ang daming mga guests na sumuporta sa pelikula. Nariyan sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Eugene Domingo, Angelu De Leon, Matt Evans, Lara Quigaman, Nikki Valdez, Carmi Martin at marami pang iba.

CONTINUE READING…


Share This Post