Movie Review: ‘The Girl in the Orange Dress” – Jericho Rosales and Jessy Mendiola

Movie Review:  ‘The Girl in the Orange Dress” – Jericho Rosales and Jessy Mendiola

When I decided to watch this MMFF 2018, I didn’t know what to expect at wala akong expectations. Sa pagbili pa lang ng tiket, nakita ko na maraming bakanteng upuan sa Cinema 2 ng Trinoma na kung saan ipinalalabas ang movie nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola na ang title ay “The Girl in the Orange Dress.’

But I still decided to watch the film dahil kakaiba ang title and I want to be surprised. This movie is directed by Jay Abello and produced by Quantum Films, Star Cinema and MJM Productions.

==========

Related Stories:

Jennylyn Mercado to appear in Jessy Mendiola and Jericho Rosales’ MMFF entry “The Girl in the Orange Dress”

“Fantastica” and “Jack Em Popoy” earn top spots on MMFF’s first two days of screening

Jessy Mendiola on controversies: “Sometimes our ‘statement’ is taken out of context”

==========

Bungad pa lang ng movie ay may mapapansin ka na agad: Ang kagandahan ni Jessy Mendiola. Whether you love or hate her, you can’t deny the fact that she is beautiful – period. And throughout the film, this is one thing you’ll say – “Ang ganda talaga ni Jessy kahit saang anggulo mo tignan.”

Of course, it goes without saying na poging pogi pa din si Jericho Rosales. He is as yummy as ever. Walang kakupas-kupas si Jericho sa kanyang overall appearance and presence sa entire movie.

In the movie, Jessy played the role of Anna Elizabeth Velasco, an ordinary gal with 3 best friends (Sheena Halili, Ria Atayde, Hannah Ledesma) while Jericho played the role of Rye Del Rosario, the hottest actor in town.

Nagkaroon ng party ang 4 (Jessy and the gang) at sa hindi maintindihang dahilan ay nagising ng lang si Jessy na katabi na si Jericho sa isang hotel. May kumuha ng photo na magkasama sina Jericho at Jessy nang pumasok sila sa hotel nguni’t hindi nakita ang mukha ni Jessy except the girl is wearing an orange dress. Kumalat ito sa social media at dahil sikat at pinagkakaguluhan si Jericho ng mga kababaihan, naging controversial ang nasabing photo at gustong malaman ng madlang pipol kung sino ba ang kasama ni Jericho sa kanyang kwarto.

At dahil sikat na artista si Jericho (Rye) ay inabangan na din siya ng media sa labas ng hotel na pilit makapasok sa hotel para maka-scoop kung sino ung girl in the orange dress.

Dito umikot ang story ng movie – kung paano makakalabas ng hotel si Jessy nang hindi namamalayan ng mga press at paano tinulungan ni Jericho na maitakas si Jessy.

Maraming nakakatawang eksena sa movie at napaka-natural ng pag-arte ng mga artista dito. Parang hindi sila umaarte and most of the scenes were shot inside the hotel kaya alam mong everything happened in just two days. The night of the party and the night Jessy (Ana) woke up beside Jericho (Rye).

CONTINUE READING…


Share This Post