Netizens to Sharon Cuneta: “Buti hindi nagseselos si Kiko Pangilinan”

Netizens to Sharon Cuneta: “Buti hindi nagseselos si Kiko Pangilinan”

Sari-saring reaksyon at komento ang nakuha ni Sharon Cuneta sa mga photos na lumalabas sa social media na may kinalaman sa proyekto ni MegaStar kasama ang aktor na si Gabby Concepcion. Si Sharon at Gabby ay naging loveteam noong 80’s at sila ang magulang ni KC Concepcion.

Marami ang kinilig sa mga photos na kanilang nakikita at nanumbalik daw sa kanilang kaisipan ang loveteam nina Sharon at Gabby na kanilang sinubaybayan noon.

==========

Related Stories:

Sharon ang Gabby reunite in new project

KC Concepcion natuwa sa pagfollow sa isat-isa nina Sharon at Gabby sa Instagram

Gabby and KC Concepcion greet Sharon Cuneta on her birthday

==========

Nguni’t meron din namang ilan na hindi natutuwa sa mga photos dahil para daw itong kawalan ng respeto kay Kiko Pangilinan na asawa ngayon ni Sharon.

May isang netizen ang nagpost ng kanyang saloobin patungkol dito at nagtanong kay Sharon ng:

– “Mbuti po d ngseselos c sen kiko iba nga tlg 1st love never die the memories @reallysharoncuneta tm po b? goodnyt po”

Na sinagot naman ni Sharon na wala naman itong problema sa asawa (Kiko) dahil napapaka-supportive nito sa kanya:

– “naku super secure si Kiko. Supportive!”

(Photo source: Instagram – @reallysharoncuneta)


Share This Post