Ogie Diaz on Kris Aquino: “Mas ikamamatay niya pag hindi niya ibinuka ‘yung bibig niya”

Ogie Diaz on Kris Aquino: “Mas ikamamatay niya pag hindi niya ibinuka ‘yung bibig niya”

Comedian and talent manager Ogie Diaz shared with his fans and followers his sentiments over the press conference of Kris Aquino at her residence. Ogie was one of the media personality who witnessed the said press conference.

In his regular “MAMA OGS SAYS” session with his followers, one netizen asked about Kris and her sickness. This is what Ogie has to say:

“MAMA OGS SAYS….

“I mean, tanong nga about Kris Aquino. Andu’n ka sa blog conference niya, di ba? Grabe ‘yung mga sakit ni Kris, ha?”
—Actually, andami niyang sakit na inisa-isa niya. After the blogcon, sabi niya sa akin, ‘Alam mo, pare, maikli lang ang buhay ko. Just like my dad. Pareho lang maliit at magka-size ang tenga namin. Kaya nga nag-pray ako at kinausap ko sa dasal ko ang mom na malakas naman siya kay Mama Mary. Baka pwede niya naman akong ihirit ng 7 more years para maabutan kong mag-18 years old si Bimby.” I told Kris, aabutin pa ng 30 years old si Bimby, buhay pa siya.”

“Sana nga, Mama Ogs, gumaling na si Kris, no?”
—Alam mo, si Kris, hindi mamamatay sa sakit. Mas ikamamatay niya pag hindi niya ibinuka ‘yung bibig niya o hindi siya dumaldal. Hindi kasi siya naniniwala sa “less talk, less mistake.” O kaya “no talk, no mistake.” Dahil kahit bilinan siya ng doktor o ng lawyers niya na ‘wag munang magsasalita about the case or about her health, mas magsisikip ang dibdib niya kapag ‘yung alam niya ay hindi niya sasabihin sa publiko. Imadyinin mo kung ‘yung doktor, sinikreto muna sa kanya ang tungkol sa mga sakit niya, alam mo kung ano ang ending? Sasabihin niya sa interbyu na, ‘I hate my doctors. Ayaw nilang sabihin sa akin ang mga sakit ko kasi idadaldal ko raw. I can keep a secret naman, eh. They just don’t trust me.”

“Mama Ogs, eh paano ‘yung mga nagko-comment na netizens sa kanya sa instagram posts niya na sinasagot niya isa-isa?”
—‘Yun na nga. Sana nga, mapanindigan ni Kris na magpahinga muna siya sa mga social media accounts niya, dahil isa daw ‘yon sa nakakapagpa-stress sa kanya. So pipilitin daw niya. But knowing Kris? Makakatiis ba ‘yan? Kaya niya sigurong tiisin ang mga sakit niya, pero hindi ang pagdaldal kahit sa instagram at fanpage niya.”

(Photo source: Facebook – @Ogie Diaz)


Share This Post