Connect
To Top

Ogie Diaz reacts to comments about ‘LizQuen’ relationship admission

So kung walang ipino-promote at umamin, ang kasunod nang mga hanash diyan ay, “Hindi kasi pinag-uusapan, kaya umamin?” or “Bakit umamin eh wala namang ipino-promote na movie?”

So hindi mo talaga alam kung saan ka lulugar. Punta ka sa kanan o kaliwa, tiyak mahuhulog ka pa din. Dumedma ka, me sasabihin pa rin sila.

So ngayong umamin ang LizQuen, me sinasabi pa din ‘yung iba, hahahaha! Anyway, okay lang ‘yan. Pasensiya na po sa naapektuhan ng kanilang pag-amin.

Kung iniisip n’yong may ipino-promote na “Alone/Together” ‘yung dalawa kaya umamin, eh opinyon n’yo na po ‘yan. Sila lagi ang magkasama eh what do you expect?

Ano bang gusto nilang itanong ni Vice Ganda? Kay Liza, kung kumusta na ang friendship nila ni Daniel Padilla o kaya si Enrique kay Kathryn Bernardo, ganun ba?

Again, kung naapektuhan ‘yung iba at nagkaroon pa ng pribilehiyo na mam-bash eh tanggapin na lang ang katotohanang hindi talaga pare-pareho ang mga tao.

Basta ang mahalaga, happy ang karamihan, lalo na ang mga LizQuen fans. At in fairness, kinilig pa sila sa pag-amin na ‘yon. At least, maraming napangiti ang loveteam, so sana good vibes na lang.

Meron pa nga akong nabasang isang comment na natawa ako, eh.

Ang sabi, “Mas okay na ‘yung umamin ang LizQuen kesa du’n sa mga na-viral na news na, ‘Jak Roberto at Barbie Forteza, hindi mag-e-exchange gift ngayong Pasko’ at ‘yung ‘Andrea Torres, naiyak dahil hindi na-perfect ang luto ng kare-kare’.”

Anyway, watch na lang tayo para makiluha, kiligin at mainlab uli this Feb. 13 na.”

(Photo source: Facebook – @Ogie Diaz)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News