Ogie Diaz reveals insights on Tony Labrusca: “mabait na bata ‘yang si Toni”

Ogie Diaz reveals insights on Tony Labrusca: “mabait na bata ‘yang si Toni”

Actor Tony Labrusca was recently involved in a controversy concerning the actor’s behavior with an immigration officer at the NAIA. Tony already apologized for the said incident but netizens can’t seem to have enough of the actor.

In his regular “MAMA OGS SAYS….” on Facebook, comedian and talent manager Ogie Diaz gave his insights regarding Tony:

“Mama Ogs, ano’ng masasabi mo sa isyu ni Tony Labrusca sa immigration?”
—Well, nagbigay na ng public apology si Tony, so sana nga, mapatawad na siya ng mga naka-encounter niyang immigration officers.”

“Mama Ogs, eh ‘yung sabi ni DFA Sec. Teddyboy Locsin that he should be deported?”
—‘Yun ang dapat ayusin ng kampo ni Tony.”

“Mama Ogs, kasama pala ni Tony si Alex that time, no?”
—Natural, magkapatid naman kasi ‘yung dalawa. Kakapanood ko lang sa kanila sa PBB kahapon.

“Hindi sina Toni at Alex Gonzaga, Mama Ogs. Si Alex Diaz, biglang lumabas na kasama niya pala that time nu’ng sitahin sa immigration. Biglang andami nang nagsabi na magdyowa sila.”
—Oo nga, pero ang isyu lang naman dito ay ‘yung sa immigration, hindi tungkol sa gender o relationship, kung meron man.”

“Naniniwala ka bang bisexual si Toni Labrusca, Mama Ogs?”
—Pinanood ko naman ‘yung “Glorious,” grabe halikan nila ni Angel Aquino, ha?”

“Parang hindi mo yata sinagot ang tanong ko, Mama Ogs?”
—Alam mo, mabait na bata ‘yang si Toni. Pag nakikita naman ako niyan, binabati ako niyan. Ewan ko ba kumbakit medyo nagka-attitude ang batang ‘yan. Siguro, kulang sa mga tamang tao sa paligid para mag-guide sa kanya. And I think malaki kinalaman ng madir niya, kasi ‘yun ang lagi niyang kasa-kasama, eh. Hindi naman ang ama. Kaya sabi ko sa tatay, pumasok na siya sa eksena, dahil mas kailangan siya ng anak niya ngayon at kabisado din niya ang takbo ng industriya kung ano ang dapat na iugali dito.

“Speaking of Boom Labrusca, Mama Ogs… totoo ba ‘yung press release ng kampo noon ni Tony during the Pinoy Boyband nu’ng contestant pa lang siya na noon lang nagkita ang mag-ama?
—As far as I can remember,hindi totoo ‘yon. Mga late 90s, ‘yang si Tony, nakita ko na ‘yan sa bahay sa Paranaque nina Boom nu’ng mag-guest kami sa pista ng barangay nila, inaalagaan pa ng nanay ni Boom habang wala ‘yung mama niya. Kaya tinalakan ko nga ‘yang si Boom, sabi ko, ba’t siya pumayag sa drama ng madir na wala siya during the formative years ni Tony. Ang sabi na lang sa akin ni Boom, ‘Hayaan mo na, mama… baka sabihin, umeepal pa ako sa career ng bata. Basta andito lang naman ako kung kailangan niya ako.’ Kaya ayan na nga, pumasok na sa eksena ang tatay, dahil kailangan niyang saklolohan ang anak niya. Kaya hanga din ako dito kay Boom, in fairness.”

(Photo source: Facebook – @Tony Labrusca)


Share This Post