PBB: Kiara Takahashi inaming gusto na rin nya si Gino Roque

PBB:  Kiara Takahashi inaming gusto na rin nya si Gino Roque

Gaya ng inaasahan ng marami ay iniligtas ng Team Gino si Kiara Takahashi sa pamamagitan ng hindi pagboto sa dalaga sa Pinoy Big Brother. Nguni’t sinabi ni team leader Gino Roque kung tama ba o nagkamali sila ng iniligtas. Ang binoto nina Gino ay si Wealand Ferrer.

Labis na nasaktan si Gino sa ginawang pagboto sa kanya ng Team Kiara, hindi dahil sa na-nominate kundi dahil sa dahilan ng pagboto sa kanya. Tinanong ni Gino si Big Brother (Kuya) kung anong kinalaman ng kanyang pagkakaroon ng negosyo sa pagiging housemate sa loob ng bahay ni Kuya.

==========

Related Stories:

PBB: Netizens tuwang-tuwa sa ‘treat’ at ‘threat’ nina Argel at Wealand

PBB: Netizens send mixed reactions over Kiara’s decision to nominate Gino for eviction

PBB: Gino Roque naluha nang pinili ni Kiara Takahashi for eviction

==========

Sa kabilang banda naman ay labis na nalulungkot si Kiara dahil alam niyang nasaktan niya si Gino na kanyang kinilala bilang isang taong may mabuting puso at caring. At sa isang banda na kanilang paguusap ng kanyang team ay inamin ng dalaga na gusto na rin niya si Gino nguni’t kanyang niliwanag na hindi ito ang kanyang priority sa ngayon.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube screengrab – @Pinoy Big Brother)


Share This Post