Connect
To Top

PBB: Netizens hindi nagustuhan ang ginawa nina Hasna at Sky kay Kiara at sa Team Gino

Nagpatuloy ang hamon ni Big Brother (Kuya) sa mga housemates upang bumuo ng tower sa pamamagitan ng mga blocks. Dahil pinakamaraming nakuhang blocks ang Team Gino (Gino, Diane, Akie) ay napagpasyahan ng Team Kiara (Kiara, Sky, Hasna) at Team Argel (Argel, Wealand, Franki) na kumuha ng blocks mula sa Team Gino.

Hindi ito nagustuhan ng Team Gino dahil isa itong uri ng pagnanakaw at hindi ito dapat gawin, itinuring nila itong ‘unsportsmanship.”

==========

Related Stories:

PBB: Gino on courting Kiara: “tapos na ako doon. It’s done”

PBB: Kiara Takahashi inaming gusto na rin nya si Gino Roque

PBB: Netizens tuwang-tuwa sa ‘treat’ at ‘threat’ nina Argel at Wealand

==========

Nagkaroon ng konting gulo sa bahay ni Kuya nang biglang pinuntahan ng Team Kiara ang Team Gino para kumuha ng mga blocks. Bilang kanilang leader ay hindi natuwa si Kiara sa ginawa nina Sky at Hasna.

Napanood din ng mga netizens ang ginawang pagkuha ng blocks nina Sky at Hasna at ang karamahihan ay hindi sumangayon dito. Hindi din nagustuhan ng mga netizens ang paguusap nina Sky at Hasna habang wala si Kiara. Ayon sa iba ay isang uri ito ng ‘backstabbing.’

Narito ang video:

(Photo source: Youtube screengrab – @Pinoy Big Brother)

You must be logged in to post a comment Login

More in News