Pia Wurtzbach, bakit sinisisi ng netizens sa hindi pagpasok ni Rachel Peters sa Top 5?

Pia Wurtzbach, bakit sinisisi ng netizens sa hindi pagpasok ni Rachel Peters sa Top 5?

Hindi matanggap ng ilang mga Pilipino ang di pagpasok ni Rachel Peters sa Top 5. OK lang naman daw kung hindi ito manalo pero ang hindi daw niya pagpasok sa Final 5 ay isang kataka-takang pangyayari.

At ang sinisisi ng ilang netizens ay si Pia Wurtzbach na nasa Miss Universe din bilang judge.

==========

Related Stories:

Pia Wurtzbach umaming gandang ganda siya kay Jessy Mendiola

WATCH: Marlon Stockinger nagpapaturo kay Pia Wurtzbach mag-bisaya

Pia Wurtzbach, Daniel Padilla at Vice Ganda nagsimula ng mag-taping para sa “The Revengers”

==========

Ang mga binabatong akusasyon kay Pia ay sadya daw hindi pinapasok ni Pia si Rachel para hindi mawala sa kanya (Pia) ang limelight. Ang sabi naman ng iba ay sadyang pinatalo ni Pia si Rachel dahil hindi sila magkapareho ng kampo. Ang iba naman ay sinasabing insecure daw si Pia kay Rachel.

Ang ibang netizens naman ay ipinagtanggol si Pia dahil ang sinasabi naman nila ay impossibleng makontrol ni Pia ang resulta ng Miss Universe dahil isa lang siya sa marami ang judges na naroon.

In other words, walang kakayahan si Pia panalunin o kaya pataluhin si Rachel. At hindi magagawa ni Pia ang mga paratang sa kanya dahil bago pa man magsimula ang beauty pageant ay nagbigay ng advice si Pia kay Rachel.

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

Para sa ibang netizens, Rachel fought a good fight and landing in the Top 10 is something to be proud of already for the Philippines.

(Photo source: Instagram – @queens.ph)


Share This Post